196

May 21, 2019 @ 17:36
By

Party-list system isa nang ‘joke’ – Lacson

Tinawag na “joke” ni Senador Panfilo Lacson ang party-list system sa bansa matapos maghain ng substitution paper si Ronald Cardema bilang first nominee ng Duterte Youth kapalit ng kaniyang asawa.

“Ronald Cardema and the Duterte-youth party list are just two of many reasons why the party list system has become a joke,” tweet ni Lacson nitong Martes.

Ipinunto ni Lacson ang sitwasyon ngayon ni Cardema at ng Duterte Youth kaya kailangang pag-aralang muli ang party-list system sa bansa.

“Maybe it’s time a thorough review should be undertaken to find out if it still serves the purpose for which its creation was provided in the Constitution,” ani Lacson.

Si Cardema ang dating chairman ng National Youth Commission (NYC).

Sinabi ng Malakanyang na maituturing na resigned na sa kanyang pwesto si Cardema dahil sa paghahain nito ng substitution bilang first nominee ng Duterte Youth.

Matatandaang binakbakan ng dati ring naging pinuno ng NYC na si Dingdong Dantes ang maling timing ng pagbibitiw ni Cardema na isang araw lamang bago ang eleksyon.

Saad ng aktor, posibleng nagamit ni Cardema ang kanyang posisyon para ikampanya ang Duterte Youth at kung balak mag-substitute ay dapat aniya ay ginawa na noong una pa lang.

“Kung may balak siyang maging Congressman noong una pa lang, nararapat lang na nag resign siya bilang NYC Chairman. Pwede bang nagising na lang siya isang araw at nag-decide na trip niya?,” saad ni Dantes. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?