14

May 18, 2021 @ 18:17
By

Party drugs naharang sa NAIA

Naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang party drugs na may halaga umanong aabot sa P3.1 milyon.

Ayon sa Bureau of Customs, galing ng Malaysia ang mga ito at dumating sa bansa noong Mayo 10.

Upang maipuslit sa bansa ang mga droga, na napag-alamang ketamine, ay inilagay ito sa mga pakete ng kape at idineklarang snacks.

Nitong Lunes naman ay naaresto sa Caloocan City ang lalaking authorized representative ng consignee ng package.

Hinahanap na rin sa ngayon ng awtoridad ang talagang consignee ng mga droga.

Sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay itinuturing ang ketamine, o Special K, bilang isang mapanganib na droga.

Kilala ito bilang party drugs dahil nakakapagpakalma umano ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?