67

Jan 14, 2022 @ 19:58

Partido Reporma: Walang Leni na sinabi sa Tweet ni Ping sa dapat katangian ng lider

Tahasang itinuwid ng Partido Reporma ang pagsawsaw at pagbanggit kay Vice President Leni Robredo ng mga supporters nito bilang pagtugma sa mga katangian na dapat na taglayin ng susunod na lider ng bansa na binabanggit ng standard bearer ng partido sa 2022 Presidential elections na si Panfilo Lacson.

“Walang tinutukoy na ibang kandidato si Senador Lacson sa kanyang tweet sa opisyal na @iampinglacson account, pero may ilang netizen na naniniwala kay Leni ang ang naging tila mapanghusga at agad na ikinapit ang bise presidente,” paglilinaw ni Partido Reporma spokesperson Ace Acedillo.

Bago ito ay nagpost sa Twitter si Lacson ng mga katangian na dapat taglayin ng susunod na lider ng bansa gaya ng “super anti: anti-corruption, anti-incompetence, anti-indolence, anti-dishonesty, anti-entitlement, anti-arrogance, anti-greed, anti-tardiness.”

Agad naman itong tinugon ng ilang Twitter supporters ni Robredo at sinabing ang bise presidente ang tinutukoy ni Lacson.

Binara din agad ni Lacson ang mga nagsabing si Leni ang kanyang tinutukoy sa pagsasabing siya ay hindi nale-late at ang bise presidente ay dalawang beses na hindi nakarating sa takdang oras sa kanilang mga pagpupulong.

“Ako ay personal na saksi sa katotohanang ito, na si Senador Lacson ay mahigpit pagdating sa pagiging maagap at hindi kailanman sinasayang ang oras ng ibang tao na naghihintay sa kanyang pagdating sa mga pagpupulong o kumperensya.

Nahubog ito sa ilang taon na niyang disiplina bilang sundalo at pulis, na kahit isang minuto ng pagiging huli ay maaaring mangahulugan ng buhay o kamatayan para sa mga taong sinumpaan niyang paglilingkuran at poprotektahan,” ayon pa kay Acedillo.

“Para sa ibang mga netizen na nagsasabing ang kanilang napiling kandidato ay hindi isang tao na walang kakayahan, pero nahuhuli, iminumungkahi namin na suriin nila ang kanilang sariling mga aksiyon sa pagtatanggol ng kanilang ‘pambato’. Sa pag-uugnay ng kanilang kandidato sa mga katangiang ipinahayag ni Senador Lacson, sila ay nangongopya lang ng mga ideya, na isa pang anyo ng kawalan ng kakayahan at katamaran,” pahabol ni Acedillo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?