47

Oct 8, 2021 @ 18:24
By

Partido Reporma nadagdagan puwersa

Padami nang padami ang sumasali sa Partido Reporma, ang partido ni presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson.

Sa huling araw ng COC filing ngayong Biyernes, nanumpa naman sa partido ang mga bagong miyembro mula sa Maynila.

Sina party president Rep. Pantaleon Alvarez at party treasurer ex-LPGMA party-list Rep. Arnel Ty ang nanguna sa oathtaking ng mga bagong miyembro.

Maaari pang umanib sa Partido Reporma sa pamamagitan ng http://reporma.ph.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?