64

By

Partido ni Mayor Sara, awtorisado na ng Comelec

Sharing is caring!

Binigyan na ng akreditasyon ng Commission on Elections (Comelec) ang bagong regional political party na Hugpong ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Nag-isyu na ang Comelec ng resolusyon para sa aplikasyon ng HNP at pormal na itong kinilala bilang regional political party sa Davao region.

Una nang sinabi noon ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na layon ng binuong HNP na masiguro ang seguridad at pag-unlad ng Davao City.

“We need a regional political party because a lot of members of HNP have different national political party affiliations,” paliwanag pa ni Mayor Sara. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?