37

Mar 3, 2020 @ 20:00
By

Partida walang tulog, Castaneda humarabas

Kinarga ni Simon Liannes Castaneda ang Cignal matapos hagupitin ang Generika-Ayala, 19-25, 25-18, 25-20, 25-20, sa ikawalang araw ng Philippine SuperLiga Grand Prix, Martes sa Bacoor Strike Gym.

Kahit may jetlag pa ang Cuban sensation dahil kakarating lamang nito noong Sabado ay lumagare pa rin ito ng 29 points sa likod ng 24 kills.

“Well I’m very happy. Actually, she barely had any sleep, but she did her best for our team,” pahayag ni Cignal coach Edgar Barroga patungkol kay Castaneda.

“She’s a reliable import and I put my complete trust on her.”

Umagapay rin sa Cignal sina Alohi Robins-Hardy na gumawa ng 14 points habang si Ranya Musa at Roselyn Doria ay bumalikat ng tig-13 markers.

Naging malaking puntos naman ang naging panalo nila kontra Generika dahil nakakalaki ito ng morale para sa kanilang susunod na tatahakin kontra F2 Logistics sa darating ng weekend.

Samantala ,hindi naman naging sapat ang 21 points ni Elizabeth Vicet Campos para sa Generika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?