35

Sep 9, 2021 @ 14:40
By

Partida pandemic! Sy, Villar yumaman lalo

Kahit pandemic, nadagdagan pa rin ang yaman ng pinakamayayamang tao sa Pilipinas ngayong 2021, ayon sa ulat ng Forbes na inilabas ngayong Huwebes.

Pinakamayaman ang mga anak ng yumaong si Henry Sy, na ang pinagsamang net worth ay umabot ng $16.6 bilyon.

Tampok sa 2021 ng mga Sy ang dagdag na $2.7 bilyon sa kanilang kabuuang yaman.

Pangalawa sa listahan ang dating senador at real estate businessman na si Manny Villar, na may net worth na $6.7 bilyon, mas mataas ng $1.7 bilyon kumpara sa nakaraang taon.

Pangatlo naman si Enrique Razon ($5.8 bilyon), sinundan nina Lance Gokongwei ($4 bilyon), Jaime Zobel de Ayala ($3.3 bilyon), Dennis Anthony at Maria Grace Uy ($2.8 bilyon), Tony Tan Caktiong ($2.7 bilyon), Andrew Tan ($2.6 bilyon), Ramon Ang ($2.3 bilyon) at ang magkakapatid na Ty ang bumuo sa top 10 ($2.2 bilyon).

Ayon pa sa Forbes, ang kabuuang yaman ng nasa top 50 ay tumaas ng 30% ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,