26

Jun 14, 2020 @ 15:32
By

Partial operation ng hotel restaurant, aprub sa DOT

Malugod na tinanggap ng Department of Tourism (DOT), ang ginawang pag-apruba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa rekomendasyon ng Department of Trade Industry (DTI) sa partial dine-in operation ng restaurants na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Pinaalalahanan naman ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang mga restaurant na nasa loob ng hotels at iba pang accommodation establishments na maaari na silang magbukas sa Hunyo 15 pero dapat na obserbahan ang 30% limit para sa dine-in customers, at safety measures and protocols.

Ayon kay Puyat magsasagawa ng inspections ang composite team na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa DOT, DTI at sa Department of Labor and Employment (DOLE) para matiyak kung sumusunod ang mga establisimiyento.

Samantala, nakikipag-ugnayan na umano ang DOT sa DTI at Talino Venture Labs para sa pagkakaloob ng libreng digital solutions para sa mga DOT-accredited businesses nang matulungan sila na makasunod sa technological demands of ng new normal.

Nabatid na ini-adopt ng IATF-EID ang Talino Venture’s SafePass, isang COVID -19 prevention at incident management platform para sa lahat ng business establishments.

“We introduced these digital solutions free of charge for DOT-accredited restaurants in their transition to the new normal. Innovation is key to effectively implement and maintain health and safety protocols in their premises,” ayon kay Puyat.

Naniniwala si Puyat na maibabalik ng Pilipinas ang sigla ng ekonomiya basta matiyak ang kaligtasan ng customer at empleyado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?