80

Nov 2, 2017 @ 14:51

‘Partial lockdown’ para sa ASEAN Summit, ikakasa na

Inanunsiyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na simula sa darating na Nobyembre 8 ay magpapatupad na ng ‘lockdown’ sa CCP Complex at Mall of Asia area sa Pasay City kaugnay sa nalalapit na ASEAN Summit.

Sa abiso na ipinalabas ng MMDA, sa Nobyembre 8 ay magpapatupad ng partial lockdown sa CCP Complex, sa Nob. 11 naman ay complete lockdown sa SMX Block sa MOA.

Kinabukasan ay complete lockdown na sa CCP Complex at gayundin sa Nob. 13 sa kahabaan ng Roxas Boulevard mula Padre Burgos Ave., sa Maynila hanggang sa Buendia o Gil Puyat Ave., sa Pasay City.
Sa Nobyembre 15 ay magpapatupad naman ng partial lifting ng lockdown sa CCP Complex.

Nabatid na sa tuwing may partial lockdown, ang mga sasakyan kahit walang ASEAN pass, ay makakapasok sa mga nabanggit na lugar ngunit kailangang sumailalim sa mabusising security inspections. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?