47

By

Parte ng 2016 champion team, balik sa Cavaliers

Sharing is caring!

Isang popular na Cavaliers player ang magbabalik sa koponang nagbigay sa kanya ng championship ring.

Balik Cleveland, Ohio si Matthew Dellavedova sa Cavaliers, kung saan nai-trade siya ng Milwaukee Bucks kasama sina center John Henson at dalawang draft pick para sa 2021.

Kapalit naman nila ay sina veteran guard George Hill at forward Sam Dekker, si Dekeer ay ipapamigay agad sa Washington Wizards para kay Jason Smith at isang second-round pick.

Bago maanunsyo ang nasabing trade, nag-ensayo pa sina Hill at Dekker sa loob ng home court ng Cavaliers para sana sa susunod na laban.

Ang dalawa ay parehong dumaan sa injury, si Hill ay nabakante ng 11 laro dahil sa shoulder injury habang si Dekker naman ay nagarahe dahil sa sprained left ankle.

Si ‘Delly’ naman, ang bansag kay Dellavedova ng mga Cavs fan, ay nakilala bilang isa sa pinakamatinik na defender para sa Cleveland na naglaro sa prangkisa ng tatlong taon.

Matapos pumirma sa Bucks, bumaba ang playing time ni Delly na ngayo’y nag-aaverage lang ng 1.7 puntos at 2.4 assists sa 12 laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }