5

Nov 4, 2020 @ 10:11
By

Parrot niligtas sa sunog ang amo

Natutulog ang isang lalaki nang magliyab ang kanyang bahay. Buti na lang, nagsisisigaw ang kanyang alagang luntiang parrot.

Madaling-araw ng Miyerkoles nasunog ang two-storey house ni Anton Nguyen sa Brisbane, Queensland. Siya lang ang nakatira roon.

Nakarinig aniya siya ng malakas na tunog tapos bigla na lang makaulit na pumutak ang kanyang alagang si Eric ng “Anton,” kaya nagising ang lalaki at nakaamoy ng usok.

Nakita aniya niya ang pagliyab sa likod ng bahay kaya dali-dali silang bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay.

Ayon pa kay Queensland Fire and Emergency Services inspector Cameron Thomas, sa ulat ng BBC, “There were smoke detectors [but] the bird alerted before the smoke detectors went off.”

Apat na crew ang kinailangan upang maapula ang sunog.

Samantala, sinabi ni Nguyen na hindi siya nasugatan.

Inaalam pa ngayon ang sanhi ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?