1,288

Apr 26, 2019 @ 16:40
By

Parrot na nagsisilbing lookout ng mga drug dealer, ‘naaresto’

Isang parrot ang inilagay sa kustodiya ng mga awtoridad matapos ang ikinasang raid na target ang mga drug dealer.

Ayon sa report ng The Guardian, nagsisilbing tagabantay ang parrot at tinuruan ng pag-alerto sa mga kriminal kapag may police operations sa Vila Irmã Dulce, isang komunidad sa Brazil.

Sumisigaw umano ang parrot ng “Mum, the police!” kapag nakakakita ng mga pulis.

Nakumpiska na ang naturang parrot na hindi pinangalanan noong Lunes sa isang drug den na pinapatakbo ng mag-asawa.

“He must have been trained for this. As soon as the police got close he started shouting,” saad ng isang pulis na kasama sa operasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?