83

Dec 26, 2017 @ 11:54
By

Parol ng mall nasunog, bumagsak; 2 sugatan

Suwerte na hindi nagdulot ng trahedya ang malaking parol sa isang mall sa Taguig City na nasunog bago bumagsak sa puwesto ng mga mamimili noong Lunes ng gabi.

Base sa impormasyon mula kay Police Supt. Jenny Tecson, ang tagapagsalita ng Southern Police District, alas-7:45 bigla na lang bumagsak ang parol habang nagliliyab sa activity area ng Market, Market Mall sa Bonifacio Global City.

Nabatid na sa naturang lugar ay sale ng mga damit kayat nag-panic ang ilan ang mga mamimili.

Hindi pa malinaw kung ang dalawang nasaktan ay mamimili o tauhan ng mall.

Agad naman rumesponde ang mga security personnel ng mall, agad nilang naapula ang sunog sa parol at ilang damit gamit ang ilang fire extinguishers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?