117

Nov 6, 2017 @ 13:56

Parokya sa Bubble Gang pak na pak

Ngayon pa lang, kanya-kanyang countdown na ang ginagawa ng Babol fanatic here and there para sa anniversary special ng numero unong comedy gag show sa bansa—ang Bubble Gang.

Paano ba naman kasi, balita namin ay two-part special ito at puno ng one-of-a-kind stints at gags nila featuring 10 songs mula sa well-loved band ng Pinoy na Parokya ni Edgar.

Hindi na nga maitago ng fans ang kanilang excitement dito dahil sa social media pa lang, may sarili na silang pa-countdown! Pak, ‘di ba? Kung sino at ano pa ang dapat abangan sa engrandeng anniversary pakulong ito, ‘yan ang dapat abangan! By JOE BARRAMEDA

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?