31

Sep 27, 2021 @ 18:01
By

Parokya ni Edgar may bagong album!

Maglalabas ng mga bagong kanta ang OPM rock band na Parokya ni Edgar makalipas ang limang taon.

Sabi ng bokalista nitong si Chito Miranda, nitong November ilalabas ang bago nilang album.

“Biking mag-isa pa-ikot-ikot sa village, tamang muni-muni lang habang sinasoundtrip yung bago naming album,” sey ni Chito sa Instagram post.

“Sobrang excited ko sa bagong album ng Parokya. Sobrang trip ko yung mga bago naming kanta. Sobrang masaya din ako sa mga nasulat ko, at sobrang saya ko din sa mga nasulat ng mga kabanda ko.

“Honestly, before this, parang tinamad na ko magsulat…for 5yrs nakatiwangwang lang yung album, with no definite plans kung kelan matatapos at kung kelan ito ilalabas,” dagdag niya.

“Tapos ngayon, bigla kaming ginanahan tapusin, at kinagagalak kong sabihin na maglalabas kami ng bagong album by November,” patuloy niya.

Unang album nila ang “Khangkhungkherrnitz” (1996) kung saan nakapaloob ang kantang “Buloy” at naging triple platinum hit sa Pilipinas.

Huling album nila ang “Pogi Years Old” na inilabas noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?