46
parojinog1
By

Parojinog, humirit mailipat ang kaso niya sa NBI

Sharing is caring!

Humiling ang puganteng si Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog sa Department of Justice (DOJ) na mailipat ang kaso niya mula sa Philippine National Police (PNP) patungong National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, ito umano ang nakuha nilang impormasyon pero bukod dito ay wala na silang alam na iba pang detalye hinggil dito.

Aniya, rerespetuhin ng pambansang pulisya kung anuman ang magiging desisyon ng DOJ sa hirit ng konsehal.

May kasong illegal possession of firearms and explosives at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act si Parojinog.

Nagtago na ito matapos salakayin ng mga pulis ang bahay nito kung saan napatay ang kanyang kuya na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.

Inaresto siya noong Mayo sa Taiwan matapos subukang pumasok sa bansa gamit ang iligal na mga dokumento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?