399

Apr 21, 2021 @ 19:58
By

Parlade kinumpara nagpauso ng community pantry kay Satanas kinuyog

Trending sa Twitter Philippines si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. matapos tila ikumpara kay Satanas si Ana Patricia Non, ang nagpasimula ng community pantry sa bansa.

Si Ana Patricia Non o AP Non ang nagsimula ng pag-usbong ng mga community pantry na tumutulong sa mga nangangailangan ngayong pandemya. Itinayo niya ito sa Maginhawa St., Quezon City.

“Alam mo ba isang tao lang ‘yan ‘di ba? Isang tao lang si Ana. Same with Satan. Si Satan binigyan ng apple si Eve, doon lang nagsimula ‘yun,” wika ni Parlade tungkol sa pag-usbong ng mga community pantry sa panayam sa One News nitong Miyerkoles.

Magugunitang itinigil ni Non ang operasyon ng community pantry dahil sa takot matapos siyang i-red tagged ng mga awtoridad pero muli itong ibinalik dahil sa suporta ng komunidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?