35

Jul 1, 2020 @ 20:26
By

Parlade inasunto ni Zarate sa Ombudsman

Sinampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate si Armed Forces of the Philippines (AFP) Major General Antonio Parlade Jr. dahil diumano sa black propaganda noong 2019 campaign.

Sa reklamo ni Zarate, iginiit nito na guilty si Parlade sa black propaganda at negative campaigning dahil na rin sa pag-aakusa nito nang walang ebidensya na isang front ng Community Party of the Philippines (CCP) ang Bayan Muna.

Si Parlade ay una nang kinasuhan ni Zarate at ng Makabayan bloc ng katulad na kaso sa Commission on Elections (Comelec) noong Abril 2019.

Ayon kay Zarate, sa kabila ng pagsasampa nila ng kaso sa Comelec laban kay Parlade ay patuloy pa rin ang ginagawa nitong negative campaign laban sa kanilang grupo kaya naman naghain na siya ng kaso sa Ombudsman.

“Parlade committed a prohibited act under Section 55 of the Administrative Code of 1987, which states “no officer or employee in the Civil Service including members of the Armed Forces, shall engage directly or indirectly in any partisan political activity,” nakasaad sa reklamo ni Zarate.
Nilabag din umano ni Parlade ang Section 3 (e) ng Republic Act 3019, kaugnay sa corrupt practices of public officers.

Sinabi ni Zarate na malinaw na nakasaad sa 1987 Constitution na bawal ang sinomang miyembro ng militar na sumali sa electioneering at partisan politics.

Hiniling din nito sa Ombudsman na suspindihin si Parlade habang dinidinig ang reklamo laban sa opisyal.

Si Parlade ang unang nagbunyag ng `Red October’ plot umano noong 2018 na planong pagpapataksik ng komunistang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte at siya rin ang nagbunyag na nagre-recruit umano ng mga estudyante ang mga makakaliwang grupo para sumali sa Bayan Muna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?