156

Oct 23, 2020 @ 15:56
By

Parlade: Bakit ako magso-sorry?

Giniit ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na wala siyang ni-red-tag sa kanyang babala kina aktres Liza Soberano at beauty queen Catriona Gray.

Winarningan ni Parlade, na siya ring tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sina Liza at Cat dahil sa pagsuporta sa women’s group na Gabriela. Matatandaang naging speaker si Liza sa “Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voice on the International Day of the Girl Child” webinar ng Gabriela Youth.

Sinabi rin niyang si Soberano ay “hindi pa” parte ng New People’s Army, ang hukbo ng Communist Party of the Philippines (CPP).

“The choice is yours Liza. And so with you Catriona. Don’t follow the path Ka Ella Colmenares (Locsin) took in the underground and NPA Quezon. I am sure Angel Locsin and Neri Colmenares will not tell you this,” banggit ni Parlade. Si Ella ay kapatid ni Angel.

Nang matanong sa ANC’s Headstart kung hihingi ba siya ng tawad kay Soberano, sagot ng heneral: “Why should I apologize? I did not red-tag Liza Soberano.”

“I’m not threatening these women, because I also have daughters, I have sisters. Ang dami kong kaibigan na mga babae and I support that advocacy to defend women’s rights.”

“Wala akong ni-red-tag. I’m not using, abusing my authority, my position to red-tag these people or harass these women. No, I am supporting their advocacy,” aniya pa.

Sabi pa ni Parlade, nagpasalamat daw sa kanya ang abogado at pamilya ni Liza sa pag-inform tungkol sa Gabriela.

“I got a message, a call from Atty. (Juanito, Jr.) Lim yesterday, thanking me and informing me that they’re sending a thank you letter to me personally for informing them about the nature of this organization, which they don’t want their client to be associated with,” wika ng NTF-ELCAC spokesperson.

Ang punto lang aniya niya ay suportado niya ang adbokasiyang women’s rights ng mga nabanggit na personalidad pero huwag nila itong gawin kasama ang Gabriela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?