118

Apr 25, 2021 @ 10:39
By

Parlade, Badoy pinatatahimik sa community pantry

Pinatawan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ng gag order ang dalawang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict matapos magsalita ng mga ito laban sa mga nagsusulputang community pantry sa bansa.

Punto ni Esperon, ang opisyal na tindig ng NTF-ELCAC ay suportahan at hikayatin pa ang bayanihan o ang mga community pantry.

Magugunitang iniugnay nina NTF-ELCAC spokespeople Lt. Gen. Antonio Parlade at Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy ang mga community pantry sa Pilipinas sa kilusang komunista.

“I have earlier asked the two spokespersons to desist from issuing further statements on the community pantries,” saad ni Esperon, sa ulat ng One News.

“The official stand of the NTF-ELCAC is to support and encourage bayanihan/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?