36

Oct 9, 2021 @ 17:45
By

Parks tinipid sa playing time, Nagoya olats

Habang rumerekober sa tinamong muscle sprain, limitadong playing time lamang ang nilaro ni Pinoy superstar Bobby Ray Parks nang mabigo ang koponan niyang Nagoya Diamond Dolphins ngayong Sabado kontra sa Hiroshima, 90-98.

Lumaro lamang si Parks ng halos 13 minuto at nakapagtala ng two points, three rebounds, three assists at isang steal.

Kaya naman hikahos ang kanyang koponan na makahanap ng scoring option at natalo sa ikatlong pagkakataon. Ngayo’y 0-3 ang kanilang kartada.

Bukod sa tinipid sa oras, ang nagiisang basket ni Parks ay naiskor niya 1:12 na lamang sa orasan at kung kailan malayo na ang iskor ng Hiroshima.

Si Parks ay isa lamang sa mga Pinoy cagers na ngayo’y nakikipagsapalaran sa Japanese B. League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?