34

Apr 4, 2021 @ 14:57

Parks-Thompson trade charot lang

Hindi pa rin nakaligtas kahit sa panahon na dapat alalahanin ang kahalagahan ng Huwebes Santo na maisagawa pa rin ang araw ng April Fool’s Day.

Ito ay matapos ilan pa rin sa social media at personahe ang nagsagawa ng prank o panloloko kahit na nation ang oras sa Mahal na Araw.

Isa na nagsagawa ng matinding post ang patungkol sa pagpapalitan umano nina Bobby Ray Parks Jr ng TNT Tropang Giga na kapalit ang bagong pirma ng kontrata sa Barangay Ginebra na si Scottie Thompson kasama ang dalawang draft pick ng popular na Gin Kings.

“PBA insider@PBAinsiderL Ray Parks has been traded to Ginebra for Scottie Thompson and 2 first round picks (2022, 2024),” ayon sa post.

Marami pa rin ang napaniwala at umani din ang prank ng pagkainis sa Twitter at pinagtawanan mismo ng isa sa mga beterano sa Ginebra na si Joe Devance.

“Hahahahahahaha yea right. April Fools!!!,” sabi ni Joe Devance@jdv_38.

Pati na rin ang head coach ng Thailand national team na si Chris Daleo ay nakisama sa biruan.

“I thought signed by Brooklyn Nets,” sabi ni Chris Daleo@DaleoChris sa tugon kay @PBAinsider. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?