bobby-ray
By

Parks ‘niluto’ ng referee

Sharing is caring!

Hindi itinago ng two-time reigning ABL local MVP na si Bobby Ray Parks, Jr., ang pagkadismaya sa tawag ng mga referee sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup opener sa Araneta Coliseum, Martes ng gabi.

Maganda ang ipinakita ni Parks sa kanyang unang salang para sa Mandaluyong El Tigre sa ikinamadang 21 puntos pero hindi sapat dahil yumuko sila sa Muntinlupa Cagers, 74-86.

Sa nasabing talo, apat na offensive fouls ang ipinito ng referee laban sa 25-anyos.

“First time I’ve ever seen in my life, four offensive fouls. I attended the orientation, I know what the foul is,” ani Parks.

Kaya naman pakiramdam ng anak ng dating seven-time PBA Best Import na si Bobby Parks ay pinag-iinitan siya ng liga.

“I’ll be honest, they don’t want me in this league. They don’t want me here. It’s my home. I enjoyed playing in front of the crowd as much as I could. But at the end of the day, it’s just a stepping stone for me,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?