27

Oct 16, 2021 @ 21:31
By

Parks nagpasiklab sa B. League

Kumamada si Bobby Ray Parks ng 15 points sa 20 minutong paglalaro upang tulungan ang Nagoya Diamond Dolphins tungo sa 94-68 paggiba sa team ni Dwight Ramos na Toyama Grouses ngayong Sabado sa Japanese B. League.

Sinimulan ng Dolphins ang second quarter sa isang 21-4 run upang lumamang ng malaki at kontrolin ang kabuuan ng laban.

Bida si Parks sa field goal shooting na 6-of-12, tampok ang 3-of-6 mula sa tres. Sinamahan pa niya ito ng apat na rebound, isang assist at isang steal.

Inalat naman si Ramos na tumipa lamang ng anim na puntos at pitong rebounds sa maalat na 3-of-14 shooting at sa 28 minuto na paglalaro.

Ito rin ang unang laro ni Ramos sa B. League matapos dumaan sa mandatory quarantine period sa Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?