46

By

Parks, Mandaluyong El Tigre nakaalpas sa Patriots

Sharing is caring!

Naalpasan ng Mandaluyong El Tigre ang Paranaque Patriots, 77-75, para sa ikaanim na dikit na panalo sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup Miyerkoles nang gabi, Setyembre 5, sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Bitbit na ngayon ng El Tigre ang 6-1 baraha sa North Division habang bagsak naman sa 4-4 ang Patriots sa South.

Gumabay sa mga tigre si Ray Parks, Jr., tumapos ng 26 puntos, limang rebounds at anim na assists.

Sa hiwalay na aksiyon, hindi pinahiya ng San Juan ang kanilang tagahanga nang sikwatin ang panalo kontra Zamboanga Valientes, 80-59.

Naging sandalan ng Knights ang kanilang depensa sa third canto kaya 10 puntos lang ang naitala ng Valientes at umangat pa lalo ito ng 14 puntos para tuluyan nang maselyuhan ang panalo.

Nanguna sa Knights si dating Ginebra player John Wilson na may 23 puntos. Umakyat sa 6-1 sa North Division ang San Juan habang 4-4 kartada ang tangan ng Zamboanga sa South.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?