150
Parks Jr magpapasiklab na sa PBA
Apr 4, 2019 @ 16:56
By

Parks Jr magpapasiklab na sa PBA

Matapos malaglag ng San Miguel Alab Pilipinas sa Asean Basketball League (ABL), usap-usapan pa kung saan na sunod na lilipad ang 2018 PBA 2nd pick na si Bobby Ray Parks Jr.

Sa ngayon, tila kumpirmado nang sa Blackwater Elite na ang sunod na destinasyon ni Parks.

Magsisimula na ang training ng Blackwater ngayong Abril, at isa sa posibleng makita sa ensayo ay ang dating National University star.

Ayon sa report ng Spin.ph, ipinabatid ng team owner ng Alab na si Charlie Dy na patungo na sa PBA ang prized athlete.

“Silliman Sy messaged me that they will resume practice on April 8 but they’ll give him time to recover. So, most likely, after Holy Week na,” ayon kay Dy.

Inaasahan na magiging dagdag-armas si Parks sa nasabing koponan, na tumapos lang sa 2-9 kartada sa nagdaan na Philippine Cup.

Ito rin ay kasunod ng mga ugong-ugong na posibleng mailipat si Parks sa Meralco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?