48

Feb 15, 2020 @ 10:26
By

Parks, iba pa iniisnab ang praktis ng Gilas

No-show pa rin ang ilang players, pero final na ang Gilas pool na pagkukunan ng 12-man team na isasabak sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Uumpisahan sana ng Nationals ang kampanya sa Feb. 20 kapag ini-host ang Thailand sa Smart Araneta Coliseum. Makalipas ang tatlong araw, haharapin nila sa Jakarta ang Indonesia.

Pero iniurong na ng International Basketball Federation sa ihahayag pang petsa ang mga nakatakdang laro kasa ang sa mga Pilipino at Thai bilang pag-iingat sa kumakalat na corona virus disease 2019.

Wala nang idadagdag sa pool, ayon kay team manager Gabby Cui.

Nawala sina bigs Japeth Aguilar (personal), Christian Standhardinger (knee) at Mac Belo (knee), inimbitahan sina Justin Chua, Vic Manuel, Abu Tratter at Javee Mocon sa pool.

Maiba man ng petsa ang laban ng Nationals at Thais, malamang na hindi na rin maglaro si veteran Marc Pingris na may iniinda sa kanang tuhod.

Nag-ensayo na sina Chua at Mocon, pero wala pa sina Tratter at Manuel. Kapapanganak lang ng asawa ni Manuel, malamang sa linggo pa makasipot. Nasa team building naman ang teammate ni Manuel sa Alaska na si Tratter.

Kahit biglaan ang imbitasyon, ikinatuwa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na handang tumulong ang late invitees.

“We talked to them and they’re willing to help out, knowing that there have been a lot of our invitees who said they won’t be able to make it,” ani Cui.

Ngayong araw din inaasahang sasali sa ensayo si Kobe Paras na kagagaling lang ng Naga.

Ang hindi pa nagpapakita ay sina Bobby Ray Parks at Justine Baltazar. Walang makuhang dahilan kung bakit no-show pa ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?