54
Parks bibinyagan vs Meralco Bolts
May 7, 2019 @ 19:02
By

Parks bibinyagan vs Meralco Bolts

Nakatakda nang magpasiklab si Bobby Ray Parks, Jr. para sa Blackwater Elite sa PBA Commissioner’s Cup.

Makakaliskisan si Parks kontra sa Meralco Bolts sa darating na Mayo 19 na gaganpin sa Mall of Asia Arena.

Alas-4:30 ng hapon ay makakatapat ni Parks ang kanyang ninong na si Bolts head coach Norman Black kung saan ay usap-usapan rin ang pag-trade nito sa koponan.

Pumirma ang three-time ABL Most Valuable Player ng one-year contract para sa Elite matapos ang kanyang kampanya sa Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League.

Samantala, magtatapat naman sa second game ng Commissioner’s Cup ang Alaska Aces at Columbian Dyip sa parehong petsa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?