34

Oct 11, 2020 @ 23:02
By

Parks bangko sa unang laro

Marami ang nagtaka sa pagkakaupo langni Bobby Ray Parks Jr. sa bench gayung inaabangan ang malaking maiaambag niya sa TNT Tropang Giga sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations sa bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.

‘Di napakali ang ilan sa kanyang mga follower sap ag-absent sa hardcourt ng star player.

Isa sa rason ay dahil sa natamong injury, ayon kay PBA courtside reporter Carlo Pamintuan.

Sa ngayon ay hindi pa pormal na inaanunsyo ng koponan kung saan nagmula ang injury ng 27-anyos na cager.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?