87
Parks absent sa unang praktis ng Blackwater
By

Parks absent sa unang praktis ng Blackwater

Hindi naaninag maski ang anino ni 2018 PBA Draft second overall pick Bobby Ray Parks Jr. sa unang ensayo ng Blackwater Elite sa paghahanda para sa PBA Commissioner’s Cup.

Ngunit hindi pa dapat mangamba ang mga tagahanga ng Blackwater dahil ayon sa kanilang interim coach na si Aris Dimaunahan, nagpapahinga lang ang dating National University standout.

“They (management) said na he is taking time off to recover kasi siyempre, matagal din ‘yung tournament nila sa Alab,”ayon kay Dimaunahan sa report ng Spin.ph.

“Ako, personally, I understand that. Kailangan ng player ‘yun to recover. Hintayin na lang natin ‘yung day na darating siya,” pakli pa niya, pinalitan si Bong Ramos matapos nitong magbitiw.

Sa ngayon, hindi pa nakakapirma si Parks ng kontrata at pabitin pa ukol sa susunod nitong plano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?