1,343
Parking attendant, ginahasa saka binigti
Jul 9, 2019 @ 15:07
By

Parking attendant, ginahasa saka binigti

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang babaeng parking attendant matapos makitang nakabigti ng sinturon, may mga pasa sa katawan at nakababa ang panty sa loob ng isang abandonadong gusali sa Malabon City, Lunes ng gabi.

Kinilala nina Malabon police investigator PCpl. Joenel Claro at PCpl. Michael Oben ang biktima na si Emma Limaas, 41, walang permanenteng tirahan.

Agad namang naaresto ang suspek sa isinagawang follow-up ng Malabon Police na si Rafael Briones, 41, parking boy at residente ng San Jacobo St., Barangay Karuhatan, Valenzuela City.

Pinaghahanap naman ang hindi kilalang kasabwat nito.

Batay sa imbestigasyon ng mga tauhan ng PCP-2, may nakakita umano sa suspek na kasama ang biktima kaya nagtungo sila sa bahay nito at inaresto si Briones.

Naganap ang insidente alas-6:50 ng gabi (Hulyo 8) nang matagpuan ng concerned citizen ang walang buhay na biktima sa tinitirhan nito sa loob ng isang abandonadong gusali ng Cosmos Bottling Corp. sa McArthur Highway, Barangay Potrero, Malabon City.

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulis para matukoy kung ginahasa ang biktima habang kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Malabon detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?