71

Nov 23, 2021 @ 14:59
By

Park Shin Hye, Choi Tae Joon ikakasal na; aktres nagdadalang tao

Isang malaking balita para sa mga fans ng South Korean actress na si Park Shin Hye ang umiikot ngayon sa mga balita.

Masaya para sa aktres ang mga tagasuporta nito matapos ipaalam ni Shin Hye na ikakasal na siya sa kaniyang long-time boyfriend na si Choi Tae Joon.

Ibinahagi ito ng aktres sa kaniyang fan cafe, nagbigay naman ng translation copy ang Korean News Agency na AllKpop, sinabi ng aktres handa na raw itong simulan ang buhay may asawa.

“I am getting married to the person I have been seeing for a while now. He was my pillar of support for a long time, and he embraced the person Park Shin Hye with all of her lacking qualities, and so I am planning to start a life as someone’s partner in marriage,” pahayag ni Shin Hye.

Dumoble pa ang saya ng ibalita rin nito na nagdadalang tao siya.

“Furthermore, although I am hesitant to discuss this because it is still in its very early stages, while we began preparing for our marriage, a precious new life came to us,” dagdag nito.

Pinasalamatan naman ng aktres ang mga sumusuporta sa kaniya. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?