157

Sep 27, 2019 @ 15:02
By

Park Seo-joon, Jung Hae lumapag na sa PH

Natuwa ang mga fan sa ligtas na pagdating sa bansa ng mga South Korean actor na sina Park Seo-joon at Jung Hae-in.

Unang beses pumunta ni Seo-joon sa Pilipinas para sa kanyang fan meeting sa Linggo, Setyembre 29, 2019, sa Mall of Asia Arena. Inorganisa ito ng local clothing brand na Bench.


Bumida ito sa mga patok na TV series na What’s Wrong with Secretary Kim at Hwarang.

Samantala, kinilig din ang publiko sa pagbabalik ni Hae-in sa bansa.

Para ito sa ikalawa niyang fan meeting bukas, Setyembre 28, 2019, sa New Frontier Cinema Complex sa Araneta Center, Quezon City.

Tampok ang galing ng aktor sa mga palabas na While You Were Sleeping, Something in the Rain, at One Spring Night.

Welcome to the Philippines, mga oppa!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?