12
Bo Gum
By

Park Bo Gum tinanghal na biggest CF Korean star

Sharing is caring!

Kahit na walang Korean film o Korean drama na ginawa si Park Bo Gum sa buong taon ng 2017, ang huli pa niya ay ang Love in the Moonlight noong 2016, si PBG pa rin ang biggest CF Korean star ng 2017.

Ang CF ay commercial film o tinatawag na TV Commercial sa bansa o endorsements. Umabot sa 12 CF ang nagawa ni PBG sa loob lang ng 2017 base sa mga nakuhang impormasyon ng Idea Shower. Close to PBG ay ang figure skater na si Kim Yuna with 11 CF for 2017.

Bukod sa paggawa ng mga CF, ang fan meeting tour niya sa iba’t ibang bansa ng Asia ang isa rin sa pinagkaabalahan ni Park Bo Gum ng nagdaang taon. Pero may treat siya sa kanyang mga fans sa pamamagitan ng Voque Magazine Taiwan kunsaan, siya ang cover para sa February issue.

Sa interview ni Bo Gum para sa Vogue, sinabi niya kung ano ang tatlong pinakaimportanteng values sa buhay. Ang una niyang pinili ay ang studying. Aniya, “I think studying is what you do every second. The most important thing in life is learning. I think my job as an actor is also a job of learning. I want to learn foreign languages in the future and think there are many things to learn.”

Pangalawa para sa kanya ang balance.

“I think I need a balance that fits me and my work, life, and leisure time. It is most important to lean towards something or find a good balance.”

At pangatlo para sa kanya ang enjoyment.

“When I think about it, I think all of the important values are included here. There is enjoyment and happiness in learning something while studying, and you earn joy when you find a good balance in your life.”

Sa huli, nag-iwan pa siya ng salita na, “These are the most important values in my life. I think it is important to live happily.”

Sa ngayon, wala pa ring balita kung ano ang posibleng drama o movie na pagbibidahan niya sa taong ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?