57

Jun 24, 2020 @ 19:53
By

Park Bo Gum sasalang na sa mandatory military service

Sasalang na sa mandatory military service si Park Bo Gum sa August.

Nag-aplay ang 26-anyos na aktor sa naval military band at honor guard unit, ayon sa ulat ng Korea Herald.

Magsisimula ang basic military training niya sa August 31 sa Navy Education and Training Command sa Changwon, South Gyeongsang Province.

Matapos ay lilipat siya sa Navy headquarters sa central city ng Gyeryong.

Kabilang sa TV series ni Park Bo Gum ang “Itaewon Class” na ipinapalabas sa Netflix.

Sa South Korea, lahat ng lalaki ay obligadong magsilbi sa military sa loob ng dalawang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?