Paris Hilton, nakaimbento ng ‘selfie’?

Sharing is caring!

Hindi kinagat ng netizen ang pagpapakita ng pruweba ni hotel heiress Paris Hilton na siya ang nakaimbento ng “selfie” o paglilitrato sa sarili gamit ang smartphone o webcam at isi-share sa social media gaya ng Facebook at Instagram.

Ayon sa Cover Media, naging usapin ang pagki-claim na ito ni Hilton na siya ang nagpasimula ng “selfie” at nitong linggo, sa kanyang Twitter, ay pinatunayan niya ito sa pagpapakita umano ng ebidensiya.

Ito ay ang dalawang litrato niya kasama ang singer na si Britney Spears na kuha taong 2006.

Aniya, “11 years ago today, Me & Britney invented the selfie!”

Nakahamig man ng 32,000 retweets ang post niyang ito, wala namang naniwala sa kanyang ipinaglalaban.

Isang netizen ay nagpakita pa ng “selfie” ni Madonna sa 1985 na pelikulang “Desperately Seeking Susan”.

Ayon dito, “Madonna took a selfie in 1985. Watch Desperately Seeking Susan….”

Isa pang netizen ang nag-share ng 1910 photo kung saan makikita ang isang lalaki na nakatutok ang camera sa harap ng salamin upang kuhanan ng larawan ang kanyang sarili.

“1910 one of the first mirror selfies,” sabi ng netizen na ito.

Nag-umpisa umano ang usaping ito nang sabihin umano ni Hilton sa isang magazine na siya ang nakaimbento ng konsepto ng “selfie”.

Naging “Word of the Year” ng Oxford Dictionaries ang “selfie” taong 2013.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?