61

By

Paris Hilton nagluksa sa pumanaw na lolo

Sa social media nagluksa ang aktres-negosyante na si Paris Hilton sa pagkawala ng kanyang lolo at hotel magnate na si Barron Hilton noong Biyernes, Setyembre 20, 2019.

,Si Barron ang dating chairman ng Hilton Hotels at founder ng koponang Los Angeles Chargers.

Ayon sa apo, bata pa lang, hinahangaan na talaga niya ang lolo.

“He was a Legend, a visionary, brilliant, handsome, kind and lived a life full of accomplishment and adventure. Ever since I was a little girl I have looked up to him as a businessman,” saad niya sa kanyang Instagram ngayong Sabado, Setyembre 21, 2019.

Mabuti na lamang umano at nasabi niya kay Barron ang paghanga bago pa ito malagutan ng hininga.

“The last conversation we had a few days ago I told him how much of an impact he had on my life. His spirit, heart and legacy will live on in me,” saad ni Paris.

Ayon sa Conrad N. Hilton Foundation, namatay si Barron sa Los Angeles dahil sa mga natural na sanhi sa edad na 91.

Naulila ni Barron ang kanyang walong anak, 15 apo, at apat na apo sa tuhod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?