10

Jan 13, 2021 @ 21:54
By

Paring Pinoy napiling vice director ng Franciscans office sa Rome

Isang paring Pilipino ang bagong vice director ng Justice, Peace, and Integrity of Creation (JPIC) Office sa Rome ng Order of Friars Minor o mas kilalang Franciscans.

Sa isang panayam sa Church-run Radio Veritas, sinabi ni Father Angelito Cortez na pakiramdam niya ay biniyayaan siya sa kanyang bagong appointment.

“My heart overflows with gratitude to God for all the blessings I have received throughout the year 2020 despite the trials and tribulations, I do not think it will end in a new way of serving,” aniya.

Sinabi ni Cortez na pansamantalang gagampanan niya ang kanyang bagong tungkulin sa Rome sa pamamagitan ng “work from the country” dahil sa COVID-19 pandemic.

Si Father Cortez ang kasalukuyang executive secretary at national coordinator ng JPIC ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines.

Naordenahan siya bilang pari noong Agosto 19, 2017, 14 taon pagkatapos niyang pumasok sa Our Lady of the Angels Franciscan Seminary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?