31

Sep 15, 2021 @ 13:53
By

Paring Pinoy naluklok sa Pontifical Academy of Social Sciences

Iniluklok ni Pope Francis ang Pilipinong Dominican priest na si Fr. Albino Barrera bilang miyembro ng Pontifical Academy of Social Sciences.

Ayon sa CBCP News, naganap ang pagtatalaga kay Barrera noong Martes.

Ang 65-anyos na pari na naka-base sa US ay naordina bilang pari sa ilalim ng Dominican Order noong 1993.

Bukod dito, nagtapos din siya ng engineering sa De La Salle University at doctorate degree sa economics mula sa Yale University.

Habang nakuha naman niya ang degree sa sacred theology mula sa Pontifical Faculty ng Immaculate Conception sa Washington D.C. noong 1994.

Samantala, ang Pontifical Academy of Social Sciences ay itinatag upang pag-aralan ang iba’t-ibang social sciences.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?