223

Apr 17, 2021 @ 15:54
By

Pari tinanghal na ‘social media influencer’

“Patuloy po sana nating gamitin ang social media sa pag-infect ng ‘virus ng ebanghelyo’ sa maraming tao.”

Ito ang naging mensahe ni Reverend Father Joseph Fidel Roura matapos siyang kilalaning “male social media influencer” sa 2020 Catholic Social Media Awards sa virtual awarding ceremony noong Abril 15.

Si Fr. Roura ay parish priest ng Quasi-Parish of Our Lady of La Salette sa Muzon village ng San Jose del Monte.

“Naging possible po ang award na ito dahil po sa inyong walang sawang suporta. Salamat sa Panginoon! Salamat po sa inyo! Tagumpay po natin ito pare-pareho!” aniya.

Nakilala si Fr. Roura sa kanyang mga YouTube vlog, repleksyon at homiliya.

Mayroong siyang 278,000 YouTube subscribers.


Samantala, ang Quiapo Church ang tinanghal na “Best Parish Facebook Page”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?