281

By

Pari sinaksak habang nagmimisa

Sugatan ang isang pari matapos saksakin habang nagsasagawa ng live telecast na misa kahapon sa Saint Joseph’s Oratory sa Montreal, Canada.

Ayon sa ibinigay ng mga awtoridad na pahayag ng mga nakakita, tumakbo bigla ang suspek at inatake ang paring si Claude Grou ng kutsilyo habang nagmimisa.

Agad namang naisugod sa ospital ang pari.

Naaresto ang suspek matapos gawin ang pag-atake sa harap ng halos 50 katao at sa harap ng mga manonood bandang 8:40.

Inaasahan naman ang mabilis na paggaling ng pari na ayon kay Church spokeswoman Celine Barbeau, “was conscious when he left.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?