80

May 18, 2019 @ 19:15
By

Pari sa Vatican inabsuwelto sa panghahalik ng madre

Inabsuwelto ng Vatican court ang isang senior priest na inakusahan ng panghahalik ng isang madre.

Ayon sa ulat, nagdeklara ng kaniyang pagiging inosente sa akusasyon si Austrian Father Hermann Geissler pero nagbitiw siya noong Enero.

Sa ginanap umanong confession, inilahad ng dating German nun na si Doris Wagner ang “inappropriate behavior” ni Geissler.

Ani Wagner, sinabihan siya ni Geissler na mahal siya nito at kung hindi sila maaaring maikasal ay baka may iba pa naman umanong paraan.

Niyakap umano siya ng pari at hinalikan kaya nag-panic siya at tumakbo palayo.

Maliban sa panghahalik, inakusahan din ni Wagner ang pari ng panghahalay sa kaniya noong 2008.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,