74

Jan 25, 2021 @ 15:41
By

Pari pinatay sa Bukidnon

Isang pari sa Diocese of Malaybalay ang binaril habang pauwi ng seminaryo sa Barangay Patpat, Malaybalay City sa Bukidnon kagabi.

Ayon sa ulat, natagpuang patay na at may tama ng bala sa ulo si Fr. Rene Regalado matapos humingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga pari mula sa St. John XXIII College Seminary.

Sa report ni Malaybalay City Police chief Lt. Col. Jerry Tambis, natagpuang naliligo na sa sariling dugo si Fr. Regalado matapos barilin sa ulo bandang alas-7:30 ng gabi noong Enero 24.

Ilang metro ang layo ni Fr. Regalado sa kanyang service vehicle at sa gate ng Carmelite Monastery sa Sitio Pal-ing, Barangay Patpat.

May contusion umano o pamumuo ng dugo ang kaliwang mata ng pari na tila sinaktan muna bago namatay.

Nakatali rin aniya ang kaliwang braso ni Fr. Regalado ng puting sintas ng sapatos.

Kilala si Fr. Regalado sa bansag na “Paring Bukidnon” at madalas may kinalaman sa mga isyu ng mga magsasaka at organic farming ang paksa ng kanyang mga social blog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?