70

Nov 18, 2018 @ 16:35
By

Pari nawalan ng boses dahil sa Ginebra, Lakers!

Ibinahagi ng batikang sports analyst na si Mico Halili ang nakakatuwang homily ng pari noong siya ay nagsimba.

Ayon sa tweet ni Halili, nagpaumanhin umano ang alagad ng simbahan na tila hindi makapagsalita ng maayos dahil sa kakaibang dahilan.

Tila naubusan ng boses si father sa pagkatalo na base sa pakli niya ay kanyang sinusuportahang koponan ng Ginebra San Miguel sa PBA, at Los Angeles Lakers naman sa NBA.

Matatandaan na kamakailan ay laglag ang Ginebra sa Magnolia sa semifinals, 112-108, habang talo naman ngayong araw ang Lakers sa Orlando Magic, 130-117.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?