8

Jul 22, 2020 @ 14:35
By

Pari na survivor ng Marawi siege, pumanaw na

Namatay kaninang umaga si Fr. Teresito “Chito” Suganob, isang Katolikong pari na nakaligtas sa Marawi siege noong 2017.

Siya ay edad 59.

Pumanaw siya dahil sa cardiac arrest, ayon kay Bishop Edwin dela Peña ng Marawi Prelature.

“It is with great sadness that we make this announcement on behalf of the prelature of Marawi. Our dearly beloved Fr. Teresito Suganob died of cardiac arrest this morning, July 22, 2020, in his home in Norala, South Cotabato,” ani dela Peña sa Facebook.

Noong Mayo 2017, inokupa ng Maute group ang Marawi City at dinakip si Suganob kasama ang iba pang church worker.

Ginamit ang pari bilang human shield, cook, at server ng mga rebelde pero hindi naman napinsala sa panahon ng pagkakabihag mula Mayo hanggang Setyembre 2017.

Hindi na siya nagbalik pa sa Marawi mula noon, at nanirahan sa bahay ng kanyang mga magulang sa Norala, South Cotabato,

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?