103

By

Pari na inaresto sa Biliran, ipatatapon pabalik ng Amerika

Sharing is caring!

Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang Amerikanong pari sa Biliran na inaresto dahil sa pagiging wanted dahil kasong rape at pangmomolestiya.

Ayon kay BI spokesperson Dana Krizia Sandoval, si Kenneth Bernard Hendricks, 77 taong gulang, ay may kinakaharap na kaso ng sexual molestation sa korte sa Ohio dahil sa mga reklamong isinulong ng diumano’y mga nabiktima niya sa Pilipinas.

“We will not allow sexual predators to prey on our children. People like him must be kicked out and banned from the Philippines,” saad ni Sandoval.

Ipinoproseso na umano ng embahada ng Estados Unidos ang pagpapawalang-bisa sa pasaporte ni Hendricks para mapabilis ang kanyang deportation.

Nabatid na 37 taon nang nagsisilbi bilang pari ang nasabing dayuhan sa Pilipinas.

Isinagawa ang pagdakip kay Hendricks sa mismong Diocese ng Biliran ng mga operatiba ng BI-Fugitive Search Unit katuwang ang mga awtoridad mula sa Amerika.

“(He) is a fugitive from justice that poses a risk to public safety and security. His presence is a threat to the safety of our children,” dagdag ni Sandoval.

Kinakailangan umanong harapin ng pari ang mga kaso laban sa kanya sa Amerika kaya dapat umanong mapabilis ang pagpapa-deport sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }