959

May 5, 2021 @ 21:39
By

Pari na inakusahang kabit sinibak sa simbahan

Inalis sa simbahang kanyang pinaglilingkuran ang isang pari sa Pampanga habang gumugulong ang imbestigasyon tungkol sa diumano’y pakikipag-sex sa may asawa.

Nag-viral ang video kung saan makikita ang panggigigil ng dalawang lalaki sa pari.

“Pari kumakant*t ng nanay? Pari!” ang bulalas ng isang lalaki matapos na makaharap ang pari na gumalaw umano sa kanyang misis.

Sinabihan din ng mister na “ahas” at naninira ng pamilya ang nasabing pari matapos wasakin ang kanilang family picture sa harapan nito.

“I removed him from the parish and allowed him to celebrate Mass only in his house for his spiritual sustenance,” sabi ni Pampanga Archbishop Florentino Lavarias sa Inquirer report ngayong Miyerkoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?