61
dumag-airport

Pari dinakip dahil sa bomb joke sa Dumaguete airport

Sharing is caring!

Isang pari sa Dumaguete City ang inaresto dahil sa pagbibiro nito na walang bomba sa hand carry bag nito.

Ayon sa report ng Unang Balita ng GMA 7, hiniling umano ng isang pari sa airport staff na huwag nang inspeksiyunin ang kanyang bag dahil wala naman itong bitbig na pampasabog.

Agad namang nag-report ang staff sa cabin crew na siya namang tumawag ng pulis.

Pinababa ang mga pasahero ng eroplanong patungong Maynila para mag-inspeksiyon.

Ang pari naman ay inaresto at sumailalim sa interogasyon. Hindi na binanggit ang pangalan nito.

Pinayagan lamang makalipad ang eroplano nang masigurong walang bomba sa eroplano.

Sa ilalim Presidential Decree 1727, ang sinumang gumagawa ng bomb jokes ay may kaparusahang limang taong pagkakakulong at multang P40,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?