2,329

Apr 2, 2019 @ 11:55
By

Paredes umamin sa scandal, ilang netizen sigaw ang karma

Viral ang dating APO Hiking Society member na si Jim Paredes matapos nitong umamin sa kumalat na video scandal kung saan makikita ang ‘paglalaro’ nito sa maselang bahagi ng katawan.

Martes ng umaga ay naglabas ng pahayag si Paredes sa kanyang blog at dito na inilahad na siya nga ang taong makikita sa video na nag-viral nitong Lunes.

“The video was real. It was private, and not meant for pubic consumption,” ayon kay Paredes sa kanyang post.

Dahil dito, nagkagulo ang Twitter world dahil sa naging pag-amin ng kilalang kritiko ni Duterte.

Ilan sa mga netizen ay dumepensa sa nasabing issue, sinabi na hindi na dapat ito palakihin pa dahil lahat naman ay may pagkakamali.

Saad naman ng iba, tila nakatikim daw ng karma si Paredes dahil sa pagtira nito kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga nababanggit nitong ukol sa mga kababaihan.

Pakli ng ilang netizen, hindi dapat umanong magkunwaring disente si Paredes at sinasabihan pa itong ipokrito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?