32

Sep 19, 2019 @ 20:08
By

Pare, St. Clare kumatok sa 2019 D-League finale

Mga laro sa Lunes: (Paco Arena, Manila)

1:30pm — TIP vs Marinerong Pilipino

3:30pm — CEU vs BRT Sumisip- St. Clare

Isang panalo na lang ang hahanapin ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare para makausad sa championship round matapos ang 86-70 Game 1 victory kontra CEU sa kanilang best-of-three semifinal showdown Huwebes sa 2019 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Kumamada ng 19 points at sevon caroms si Malian slotman Mohammed Pare habang alala si Joshua Fontanilla ng 14 points, 6 assists at 5 rebounds.

“Sa start pa lang mas aggressive kami,” ani coach Stevenson Tiu. “Ine-expect ko mas aggressive sila pero first quarter pa lang, nakita ko na controlled na namin yung game.”

Gumawa man ng 11-0 run ang Saints upang kunin kalamangan sa third quarter ay hindi naman naging madali ito para sa kanila nang tangkaing idikit ito ng Scorpions sa 55-50.

Hindi naman naging sapat ang produksiyon ni Senegalese center Malick Diouf matapos gumawa ng 12 points, 15 rebounds, 6 steals, 4 assists at 3 blocks habang si Jerome Santos ay may 11 points para sa Scorpions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?